News LightLatest News

DOJ, mayroon na umanong lead sa pagkakahuli kay Zaldy Co sa Czech Republic

Kasalukuyang nasa Czech si Vida at nakatakdang makipagkita sa mga opisyal ng naturang bansa para ayusin ang proseso; inamin rin niyang kinukumpirma pa rin ang kinaroroonan ni Co kahit na…

Newslight · · 1 min read

Nakikipagtulungan na umano si Justice Secretary Frederick Vida sa mga Czech authorities upang maibalik ang puganteng at dating congressman na si Zaldy Co sa Pilipinas.

Kasalukuyang nasa Czech si Vida at nakatakdang makipagkita sa mga opisyal ng naturang bansa para ayusin ang proseso; inamin rin niyang kinukumpirma pa rin ang kinaroroonan ni Co kahit na binanggit niyang arestado na ito.

Makikipag-ugnayan din umano ang panig ni Vida sa International Criminal Police Organization o Interpol para sa pagbibigay ng red notice laban sa dating mambabatas.

Nitong nakaraang linggo lamang, iginiit ng pamahalaan na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Czech Republic si Co.

ADVERTISEMENT

Matatandaan namang umalis ng bansa si Co noong kalagitnaan ng taong 2025 para sa medical checkup ngunit tumangging bumalik ng bansa matapos ang pagtugis sa mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?