Good NewsLatest News

Dance team ng mga OFW sa Dubai, wagi sa Dubai Open Championship

Nagwagi ang Flavor Vibes DXB na kinabibilangan ng walong OFW sa Dubai Open Championship UDO Middle East 2026.

Carlene Latuna · · 1 min read

Maliban sa pagkanta, kilala rin ang mga Pinoy sa husay sa pagsayaw!

‘Yan nga ay pinatunayan ng Dubai-based dance team ng mga overseas Filipino workers matapos itanghal na kampeon sa isang kompetisyon sa Dubai.

Nagwagi ang Flavor Vibes DXB na kinabibilangan ng walong OFW sa Dubai Open Championship UDO Middle East 2026.

Dahil dito, pasok sila sa UDO World Street Dance Championships na gaganapin sa Agosto sa United Kingdom.

ADVERTISEMENT

Ngunit ilang araw lang matapos magwagi, ibinalita ng grupo na hindi sila tutuloy sa world championships dahil sa financial struggles.

Gayunpaman, congratulations pa rin sa Flavor Vibes DXB, and we are proud of you!

What do you feel about this article?