Good NewsLatest News

CXMMXNS, ibinahagi ang dahilan ng kanilang pagbabalik sa Pilipinas; Ticket selling sa concert, magsisimula na ngayong araw

Kaya naman ngayong araw, opisyal nang magsisimula ang bentahan ng mga tickets para sa “What a Beautiful Name Tour” ng grupong Commons, handog ng Electric Sheep Entertainment.

Newslight · · 1 min read

“We have to come back.”

Ito ang naging deklarasyon ng worship collective na CXMMXNS matapos nilang balikan ang kanilang hindi malilimutang worship experience kasama ang mga Pilipino.

Sariwa pa sa alaala ng grupo ang tindi ng alab, kagalakan, at matinding pagkauhaw sa Diyos na ipinamalas ng mga Pinoy noong nakaraang taon sa kanilang Mighty to Save Tour.

Ayon sa grupo, labis silang namangha dahil kahit ang kanilang mga bagong awitin ay sinabayan ng mga local worshippers nang buong lakas at puso, na tila ba maraming taon na itong kinakanta.

Dahil sa koneksyong ito, hindi na nag-atubili ang grupo na muling planuhin ang kanilang pagbabalik sa bansa.

ADVERTISEMENT

Kaya naman ngayong araw, opisyal nang magsisimula ang bentahan ng mga tickets para sa “What a Beautiful Name Tour” ng grupong Commons, handog ng Electric Sheep Entertainment.

Maari nang mag-abang mamayang alas-dose ng tanghali sa SM Tickets upang hindi maubusan. Asahan ang isang powerful worship event sa August 7–8 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?