Naniniwala ang lima sa sampung Pilipino na lumala ang kalidad ng kanilang buhay sa nagdaang 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Nasa 23 percent naman ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay, samantala 26 percent ang nagsabing walang pagbabago.
Dahil dito, naitala ang pinakamababang net gainers score na negative 26 sa loob ng apat na taon.
Isinagawa ang survey mula March 24 hanggang March 31 na may 1,500 respondents.

