Pasok ang mga pelikulang gawang Pinoy sa Out-of-competition program ng Moscow International Film Festival.
Kabilang sa mga ito ang “Unmarry” ni Jeffrey Jeturian, at ang “Pila” at “Poon” na parehong idinirek ni Adolfo Alix Jr.
Nagpaabot ng pagbati ang Film Development Council of the Philippines para sa pagkakasali ng mga ito at iginiit na ipinapakita nito ang lalim at pagkamalikhain ng pagkukuwento ng mga Pilipino.
Kaya congratulations sa lahat ng bumubuo ng mga pelikulang ito!
ADVERTISEMENT
Tunay ngang mabuhay ang pelikulang Pilipino!

