Inilabas na ng Sandiganbayan ang precautionary hold departure order laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito’y matapos aprubahan ng 7th Division ng Korte ang kahilingan ng Office of the Ombudsman na maglabas ng hold departure order.
Giit ng prosekusyon, isa si Romualdez sa posibleng “flight risk” dahil sa kanyang diplomatic passport, malawak na international contacts, at kakayahang agarang umalis ng bansa.
Tinutukoy din siya bilang umano’y “mastermind” ng kickback scheme kaugnay ng mga kontrobersyal na flood control projects.
ADVERTISEMENT
Samantala, ayon naman sa kampo ni Romualdez, wala pa silang natatanggap na kopya ng reklamo.
Matatandaan na sangkot si Romualdez sa mga kasong plunder, graft, bribery, at money laundering.

