Good NewsLatest News

Rise Up Philippines Youth Conference, kasado na sa Central Luzon

Dala ang temang “I Am Victorious,” layunin ng nasabing conference na magbigay ng inspirasyon at mahahalagang mensahe upang matulungan ang mga kabataan na mapagtagumpayan ang mga hamon sa aspeto gaya…

Newslight · · 1 min read

Kasado na ang isang big conference event na nakatakdang ganapin para sa mga kabataan mula sa iba’t ibang lalawigan ng Central Luzon.

Ihanda na ang mga puso sa Rise Up Philippines Youth Conference 2026 na gaganapin sa Pampanga State University sa susunod na buwan, May 16, 2026.

Dala ang temang “I Am Victorious,” layunin ng nasabing conference na magbigay ng inspirasyon at mahahalagang mensahe upang matulungan ang mga kabataan na mapagtagumpayan ang mga hamon sa aspeto gaya ng katamaran, insecurities, tukso, at depresyon.

Pangunahing tagapagsalita ang worship pastor na si Pastor Roman Guevara at makakasama rin niya sina Global Mission Center Leader Pastor Genesis Olimpo, kilalang content creator na si Jericho Arceo, at Pastor Jordan Escusa na isang tanyag na radio host.

ADVERTISEMENT

Para sa mga nagnanais dumalo, bisitahin ang official Facebook page Rise Up Philippines para sa inyong ticket reservation. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?