SportsLatest News

Alex Eala, tutuntong sa second round ng Madrid Open

Sa iskor na 6-3, 6-3, tinalo niya ang 34-anyos na pambato ng Russia. Si Pavlyuchenkova ay isa ring former Grand Slam finalist at gold medalist sa mixed doubles ng 2020…

Newslight · · Updated · 1 min read

Tutungtong sa second round ng Madrid Open si Pinay tennis star Alex Eala matapos manalo kay Anastasia Pavlyuchenkova.

Sa iskor na 6-3, 6-3, tinalo niya ang 34-anyos na pambato ng Russia. Si Pavlyuchenkova ay isa ring former Grand Slam finalist at gold medalist sa mixed doubles ng 2020 Tokyo Olympics.

Humingi ng medical timeout si Pavlyuchenkova ngunit hindi ito nagpatinag kay Eala bunsod ng kanyang kalamangan.

Muling lalaban si Eala sa singles mamaya, habang kasunod naman nito ang kanyang doubles match. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?