Hiniling ng Ombudsman sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na maghain ng freeze order laban sa mga ari-arian ni dating House Speaker Martin Romualdez habang patuloy ang imbestigasyon kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, uumpisahan ang kaso ng money laundering at hinihintay na lamang na umusad ang kaso.
Layunin ng freeze order na maprotektahan ang mga pinaghihinalaang pondong pagmamay-ari ng taumbayan.
Samantala, nilinaw naman ng Korte Suprema na ang Court of Appeals of the Philippines ang may kapangyarihang maglabas ng freeze order, sa sandaling may probable cause na ang mga asset ay kaugnay ng ilegal na aktibidad, kasama ang mga kaugnay na account.
ADVERTISEMENT
Patuloy din ang imbestigasyon kaugnay kay Senator Francis Escudero na posible ring maharap sa kaparehong hakbang.
Nauna nang inihayag ng Ombudsman na pinaghahandaan ang mga kasong plunder laban sa mga dating pinuno ng Kongreso kaugnay ng mga isyu sa budget at flood control projects.

