News LightLatest News

Iloilo law students, itinanghal na kampeon sa Moot Court Competition sa University of Oxford

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagwagi ang University of San Agustin College of Law Bulahan Moot Court Team sa 2026 Monroe E. Price Media Law Moot Court Competition - Global Rounds sa…

Carlene Latuna · · 1 min read

Gumawa ng kasaysayan ang mga law students mula sa Iloilo matapos itanghal na kampeon sa isang kompetisyon sa United Kingdom.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagwagi ang University of San Agustin College of Law Bulahan Moot Court Team sa 2026 Monroe E. Price Media Law Moot Court Competition – Global Rounds sa University of Oxford.

Bukod dito, kinilala rin bilang 10th Best Oralist of the Preliminary Rounds ang team captain nilang si Marco Giorgione Dava.

Kabilang rin sa team sina oralist Gie Ann Marie Aloro, researchers Kenverly Kirch Duran at Zynnie Zaragosa, at ang kanilang coach na si Anfred Panes.

ADVERTISEMENT

Sinusubok ng taunang Price Media Law Moot Court Competition ang mga mag-aaral na makilahok sa comparative research ng legal standards sa national, regional, at international level upang bumuo ng argumento tungkol sa mga isyu sa batas ng media at freedom of expression.

Kaya pagbati para sa Bulahan Moot Court Team at sa University of San Agustin College of Law!

What do you feel about this article?