Good NewsLatest News

Pinoy street food, wagi ng Judges’ Award sa Embassy Chef Showcase sa Canada

Nagwagi ng Judges’ Award ang kanto-themed Filipino cuisine na hinanda ng Philippine Embassy in Canada sa 2026 YMCA Embassy Chef Showcase sa Ottawa, Canada noong April 16.

Carlene Latuna · · 1 min read

Nagwagi ng Judges’ Award ang kanto-themed Filipino cuisine na hinanda ng Philippine Embassy in Canada sa 2026 YMCA Embassy Chef Showcase sa Ottawa, Canada noong April 16.

Sa pangunguna ni Filipino executive chef David Vinoya, kasama si Chef Jan Michael Co, dinala nila ang Philippine street food scene at ang karanasan ng mga Pinoy na mahilig sa street food.

Ibinahagi nila sa showcase ang “D’ Original Mang David’s BBQ” na may beef tapa barbecue, chicken inasal barbecue, longanisa barbecue, pork barbecue, at achara.

Ayon kay Philippine ambassador to Canada Jose Victor Chan-Gonzaga, hindi lamang ang Pinoy street food ang nais nilang ipatikim, kung hindi nais din nilang iparanas kung paano tinatapos ng mga Pilipino ang kanilang araw sa pamamagitan ng pagkain ng comfort food gaya ng barbecue.

ADVERTISEMENT

Nagbigay rin ng oportunidad ang event para maibahagi ang culinary tradition ng bansa kasabay ng Filipino Food Month at Filipino Restaurant Month.

What do you feel about this article?