Tumaas ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang quarter ng taon, ayon sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.
Mula sa 48 percent noong Disyembre nakaraang taon, umakyat ang trust ratings ni PBBM sa 54 percent batay sa survey noong Marso.
Apat na porsyento ang itinaas ng kanyang performance rating mula sa 51 percent patungong 55 percent.
Samantala, tumaas man ng dalawang porsyento ang trust rating ni Vice President Sara Duterte, iginigiit ng OCTA Research na nasa ilalim ito ng ±3 percent na margin of error kaya kinonsidera itong “statistically unchanged.”
ADVERTISEMENT
Apat na porsyento naman ang ibinaba ng performance rating ng Bise mula sa 54 percent na naging 50 percent na lamang.
Isinagawa ang survey mula March 19 hanggang 25, at sinagutan ng 1,200 adult respondents.

