News LightLatest News

Dagdag supply ng diesel at LPG, papasok sa bansa

Tinatayang aabot sa 320,000 bariles ng diesel ang darating sa Subic, Zambales ngayong April 21, habang may nakatakdang pagdating din ng karagdagang 330,000 bariles ng diesel na ide-deliver naman sa…

Newslight · · 1 min read

Inaasahan ng Department of Energy (DOE) ang pagdating ng dagdag na supply ng diesel at Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa bansa sa mga susunod na araw at linggo.

Tinatayang aabot sa 320,000 bariles ng diesel ang darating sa Subic, Zambales ngayong April 21, habang may nakatakdang pagdating din ng karagdagang 330,000 bariles ng diesel na ide-deliver naman sa Davao City.

Samantala, tinatayang 21,000 metric tons ng LPG ang inaasahang darating sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Mayo.

Bahagi ang mga ito ng mga inisyal na order ng Philippine National Oil Company (PNOC) para masiguro ang katatagan ng supply ng langis sa bansa sa gitna ng pandaigdigang pagbabago sa presyo ng petrolyo.

ADVERTISEMENT

Tiniyak ng DOE na patuloy nilang mino-monitor ang supply at presyo ng langis upang maiwasan ang kakulangan sa pamilihan. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?