Ipatutupad na ng Department of Education (DepEd) ang 3-term school calendar sa mga paaralan sa ika-8 ng Hunyo.
Magsisimula ang unang termino o unang mga aktibidad mula ika-8 ng Hunyo hanggang ika-15 ng Setyembre, at ang ikalawang termino naman ay magsisimula sa ika-16 ng Setyembre hanggang ika-18 ng Disyembre, 2026.
Habang ang pangatlong termino naman ay magsisimula sa ika-apat ng Enero at matatapos ang mga pasukan sa ika-walo ng Abril 2027.
Hinihikayat na tularan ng mga pribadong paaralan ang 3-term school year basta sundin ang wastong bilang ng school days na itinakda ng DepEd.
Layunin umano ng three-term school calendar na hatiin ang mga panahong dapat igugol ng isang estudyante sa academic, co-curricular, at extra-curricular activities.
ADVERTISEMENT
Binubuo ang Term 1 ng opening block upang mas magamit umano ang mga araw na ito sa school readiness and assessments. Sumusunod ang instructional block at end-of-term block naman sa Term 1, 2, at 3,
kung saan ang instructional block ay uninterrupted learning, at ang end-of-term block naman ay nakalaan sa mga make-up classes mula sa class suspension, professional development, wellness breaks, academic recovery, school events, at iba pa. (Austin Gonzaga/News Light)

