Pinapatawag ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang viral na driver at police officer ng Philippine National Police (PNP) Coaster bus na bumangga sa EDSA Busway corner Main Avenue nitong Biyernes.
Makikita sa viral video na kumakalat online ang panghihingi ng lisensya ng nabanggang pulis sa driver ng bus sa Carousel.
Inireklamo rin ng mga pasahero ang biglaang pagpasok sa bus lane ng Coaster ng PNP na naging malaking abala sa kanilang byahe.
Ayon sa PNP, ang Coaster ay ginagamit para makapagbigay ng libreng sakay sa mga PNP personnel at pulisya.
Gumagawa na ang ahensya ng administrative review upang makapagsagawa ng tamang aksyon.
ADVERTISEMENT
Habang iniimbestigahan at pinapaliwanag ng NAPOLCOM ngayong araw ang pulis na nanghingi pa ng lisensya kahit ito ang may kasalanan at naging sanhi ng pagkabangga sa Busway, ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Ralph Calinisan.
Wala namang naitalang sugatan sa nangyaring aksidente. (Austin Gonzaga/News Light)

