Nakatakdang magkasa ng panibagong tigil-pasada ang transport group na PISTON ngayong Martes, April 21.
Dahil pa rin ito sa kawalan anila ng aksyon ng pamahalaan sa epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Bumaba man anila ito, hindi pa rin nakababalik sa presyo sa pre-US-Iran tension.
Bukod sa kanilang hanay, umapela rin sila sa iba pang uri ng transportasyon at sa publiko para kalampagin ang administrasyon.

