News LightLatest News

Motorcycle rider na pumila para makatangap ng ayuda sa QC, nasawi dahil umano sa heart attack

Nasawi ang isang motorcycle rider na pumila para makatanggap ng fuel subsidy sa Quezon City noong Sabado.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Nasawi ang isang motorcycle rider na pumila para makatanggap ng fuel subsidy sa Quezon City noong Sabado.

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkasawi ng biktima.

Sinagot ng ahensya ang gastusin nito sa ospital, pagpapalibing, maging ang bayarin sa transportasyon ng ilang kaanak nito na luluwas mula sa probinsya para makita ang labi.

Nagbigay din ng tulong ang DSWD para sa pag-aaral ng anak ng pumanaw na rider.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa kapatid ng rider, posibleng heart attack ang dahilan ng pagkasawi nito.

What do you feel about this article?