Naaresto na ng mga awtoridad sa bansang Czech Republic ang pugante at resigned Ako Bicol representative na si Zaldy Co.
Kinumpirma ‘yan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Pangulo, nagtangkang pumasok sa Czech Republic si Zaldy Co nang walang proper documentation, dahilan para harangin at arestuhin siya ng mga awtoridad doon.
Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa naturang bansa para maiuwi si Zaldy Co sa Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Noong July 2025, mula nang magtago ang dating kongresista na nagsilbing House Appropriations chair at may pakana umano ng mga budget insertions kasama sina dating Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Si Zaldy Co ang itinuturing na isa sa mga “big fish” sa maanomalyang flood control projects.

