Nagbabala ang PAGASA sa posibleng super El Niño sa huling bahagi ng taong ito.
Ayon kay Chief Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA na si Ana Solis, posibleng maging super strong o very strong ang El Niño na more than 2 degrees.
Nangyayari ang El Niño kapag umiinit ang tubig sa Dagat Pasipiko, na maaaring magdulot ng mas malalakas at mas maraming typhoon o bagyo.
At pagkatapos ng habagat, may mas mahaba umanong tagtuyot, dahilan upang bantayan ang mga suplay ng tubig sa mga dam sa bansa.
Habang maaaring magsimula naman ang El Niño sa June hanggang August ngayong 2026.
ADVERTISEMENT
Samantala, mainit at maalinsangang panahon ang asahan ngayong araw. Patuloy ang ridge of high pressure area sa Northern Luzon, habang si Typhoon Sinlaku naman ay patuloy na humihina sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Kaya asahan ang mainit at maalinsangang panahon ngayong araw sa Luzon na may mababang tsansa ng localized thunderstorm o mga panandaliang pag-ulan.
Habang ang Visayas at Mindanao naman, asahan din ang mainit at maalinsangang panahon na may mataas naman na tsansa ng mga isolated rainshowers at thunderstorms, lalo na sa hapon at sa gabi. (Austin Gonzaga/News Light)

