Pinalagan ni Vice President Sara Duterte ang mga sinabi ng dating ex-aide umano nito na si Ramil Madriaga na bar flunker umano ito.
Ayon sa Bise Presidente, si Madriaga ang tunay na bar flunker at kidnapping suspect.
Hindi rin siya humingi ng tulong sa kahit kanino, sinakripisyo niya ang sarili upang mag-aral sa San Sebastian College of Law.
Samantala, viral sa social media ang tunay na gumawa ng painting na iniregalo umano ni Madriaga kay VP Sara na si Tanya Gaisano Lee.
ADVERTISEMENT
Ayon sa artist, hindi siya naging scholar sa Laguna, at hindi rin naging guro si Madriaga. Giit pa niya, siya mismo ang personal na nagregalo kay VP Sara ng painting na nasa likod ng mga inilabas na larawan sa House hearing noong ito pa ay mayor noong 2021 sa Davao.
Dagdag pa ni Gaisano-Lee, ang mga sinabi ni Madriaga na siya ang nagregalo ng painting ay “false” statement. (Austin Gonzaga/News Light)

