PoliticsLatest News

Pagpapatalsik kay VP Sara, may “probable cause” ayon sa ilang mambabatas

Naniniwala ang ilang mambabatas na may probable cause o may sapat na batayan ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Naniniwala ang ilang mambabatas na may probable cause o may sapat na batayan ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte.

‘Yan ay matapos na manindigan ang Commission on Audit (COA) sa Notice of Disallowance na inilabas nito para sa Office of the Vice President (OVP).

Mababatid na posibleng ipabalik kay VP Sara at iba pang opisyal ng OVP ang nasa ₱73 milyon na confidential funds dahil umano sa maling paggamit, bukod pa sa ₱375 milyon na confidential funds noong unang tatlong quarter ng 2023.

Ayon kina Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro, Bicol Saro Rep. Terry Ridon, at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, ang mga notice ng COA laban sa OVP ay mabigat na dahilan para ituloy ang impeachment ng Bise Presidente.

ADVERTISEMENT

Si Luistro ang nagsisilbing House Justice Panel chairperson, habang miyembro ng komite sina Ridon at Chua.

What do you feel about this article?