InternationalLatest News

Japan, maglalaan ng $10-B pondo para sa supply ng langis sa buong Asya

Maglalaan ang Japan ng $10 bilyon na pondo para tulungan ang mga bansa sa Asya na makakuha ng sapat na suplay ng langis sa gitna ng pagtaas ng presyo sa…

Newslight · · 1 min read

Maglalaan ang Japan ng $10 bilyon na pondo para tulungan ang mga bansa sa Asya na makakuha ng sapat na suplay ng langis sa gitna ng pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Prime Minister Sanae Takaichi, layunin ng hakbang na maprotektahan hindi lamang ang mga karatig-bansa kundi pati na rin ang sariling supply chain ng Japan.

Tinatayang katumbas ito ng 1.2 bilyong bariles ng langis na halos isang taong pangangailangan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Samantala, nagplano rin ang Japan na maglabas ng karagdagang 36 milyong bariles mula sa kanilang national oil reserves simula Mayo, para mapatatag ang suplay nito.

ADVERTISEMENT

Binigyang-diin ng pamahalaan ng Japan na ang hakbang na ito ay hindi lamang makatutulong sa mga bansa sa Asya, kundi magpapatibay din sa sariling ekonomiya ng bansa. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?