Namayagpag muli ang talino ng kabataang Pilipino sa mundo!
‘Yan ay matapos mag-uwi ng hindi lamang isa, kundi apat na world-ranked trophies ang mga mag-aaral ng Manaoag National High School sa Minoan Robotsports Competition Global Olympiad sa Greece.
Pinatunayan ng mga mag-aaral mula sa Pangasinan ang kanilang husay sa robotics nang magwagi laban sa libu-libong mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa.
Itinanghal silang kampeon sa e-soccer at e-sumo, second place naman para sa humanoid wrestling, at third place sa archery.
Ang STE Roboteam ay kinabibilangan nina Joeshel Caspillan, Jesfree Soriano, Brendon Esteves, Leo Wania, Josh Andrei Mendoza, at Warlito Gacusan Jr.
ADVERTISEMENT
Lubos ang pasasalamat ng team sa Diyos para sa anila’y wisdom at grace na ibinigay Niya noong kompetisyon.
Nagpasalamat rin sila sa suporta ng Erovoutika, Department of Education (DepEd), at maging ng kanilang mga guro at magulang.
Congratulations, Manaoag National High School at sa STE Roboteam!

