Pinalawig ni Pangulong Bongbong Marcos ang filing ng 2025 Annual Income Tax Return hanggang May 15, 2026.
Ayon sa Pangulo, layunin ng extension na bigyan ng mas sapat na panahon ang mga taxpayer para maihanda at maisumite nang maayos ang kanilang mga dokumento.
Dagdag pa niya, isinagawa ang hakbang para mapagaan ang pasanin ng mga Pilipino, lalo na sa kasalukuyang pagtaas ng presyo ng langis.
Hinikayat din ang mga taxpayer na samantalahin ang dagdag na panahon para makaiwas sa aberya sa pag-file ng kanilang buwis. (Pink Feliciano/News Light)

