Iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang 26 na miyembro ng House of Representatives kaugnay ng posibleng pagkakasangkot sa maanomalyang infrastructure projects.
Ito ay matapos maibigay ng Kamara ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga naturang mambabatas, alinsunod sa hiling ng Ombudsman.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, unang batch pa lamang ito ng mga SALN na kanilang hiningi mula sa Kamara.
Hindi naman pinangalanan kung sino ang mga kabilang dito.
ADVERTISEMENT
Nilinaw ni Clavano na hindi lamang flood control anomalies ang iimbestigahan kundi ang kabuuang infrastructure anomalies na maaaring kinasasangkutan ng mga mambabatas.
Dagdag pa niya, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Ombudsman sa flood control projects.

