Inalis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang excise tax sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene matapos ang ilang linggong krisis sa langis dulot ng hidwaan ng Iran at Estados Unidos.
Ayon sa Pangulo, aabot sa mahigit ₱3 ang bawas sa bawat kilo ng LPG o halos ₱37 na tipid sa isang tangke.
Mayroon din aniyang higit ₱5 na bawas sa bawat litro ng kerosene.
Ginawa ito ng Pangulo sa ilalim ng kapangyarihang ibinigay ng R.A. No. 12316 kapag umaabot o lumalampas sa 80 dolyar kada bariles ang average na presyo ng Dubai crude oil sa loob ng isang buwan.
ADVERTISEMENT
Batay sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), layunin ng hakbang na mabawasan ang bigat ng mataas na presyo ng petrolyo sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

