News LightFeatured

“I wanted to thank God”: NASA astronaut Victor Glover, pinasalamatan ang Diyos sa tagumpay ng Artemis II lunar mission

Bukod sa ipinakitang husay at tapang sa paglalakbay sa kalawakan, ibinahagi rin ng isa sa apat na astronaut ng makasaysayang misyon sa Buwan ang kanyang taos-pusong pasasalamat at pananampalataya sa…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Bukod sa ipinakitang husay at tapang sa paglalakbay sa kalawakan, ibinahagi rin ng isa sa apat na astronaut ng makasaysayang misyon sa Buwan ang kanyang taos-pusong pasasalamat at pananampalataya sa Diyos.

Sa kanilang pagharap sa media matapos ang misyon, unang pinasalamatan ni Artemis 2 pilot at National Aeronautics and Space Administration (NASA) astronaut Victor Glover ang Diyos para sa matagumpay na lunar flyby mission ng crew mula April 1 hanggang April 10.

Nagpasalamat si Glover para sa kanilang nasaksihan, sa kanilang karanasan, at para sa mga kasama niya sa Artemis 2 crew.

Bukod dito, nauna na rin niyang ibinahagi ang kanyang pagkamangha sa likha ng Panginoon habang nasa kalawakan pa.

Bago rin makaranas ang kanilang spacecraft ng 40-minute communications blackout, pinaalalahanan ni Glover ang dalawang pinakamahalagang utos ng Diyos: ang mahalin Siya at ang ating kapwa.

ADVERTISEMENT

Dagdag niya, ramdam nila ang pagmamahal ng mga nasa mundo kahit pa malayo sila noong mga oras na iyon.

Ang pagbabahagi ni Glover sa salita at pag-ibig ng Diyos ay nagbigay ng inspirasyon para sa marami.

What do you feel about this article?