Muling nagkasa ng tigil-pasada ang grupong MANIBELA simula April 15 hanggang 17.
Panawagan ngayon ng grupo ang umano’y panloloko ng pamahalaan bunsod ng pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo sa pagsuspinde ng excise tax at value-added tax, pati na rin ang pagbibigay ng mga fuel subsidy sa mga piling driver lamang.
Giit ng Malacañang, limitado lamang sa excise tax at walang kapangyarihan ang Pangulo na magsuspinde ng buwis, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.
Dagdag pa ni Castro, ang panahon ng krisis sa langis ay hindi umano panahon upang magkasa ng tigil-pasada.
ADVERTISEMENT
Aabot naman sa humigit-kumulang 100,000 umano’y miyembro ng MANIBELA ang lalahok sa tigil-pasada sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Austin Gonzaga/News Light)

