News LightLatest News

DPWH Sec. Dizon, tutol sa pagpapatigil ng malalaking infra project

Tutol si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa panawagang ipatigil o ipagpaliban ang malalaking proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Giselle Crazo · · 1 min read

Tutol si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa panawagang ipatigil o ipagpaliban ang malalaking proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Ito’y matapos imungkahi ng isang ekonomista na ilihis na lamang ang pondo ng infrastructure sa subsidy habang mataas ang presyo ng langis.

Paliwanag ni Dizon, kabaliktaran ang dapat gawin dito lalo’t mas kailangan na pabilisin ang mga proyektong imprastraktura dahil nakatutulong ang mga ito para maibsan ang trapiko at mabawasan ang konsumo ng gasolina.

Aniya, kapag pinatigil o pinabagal ang mga proyekto, mas titindi ang daloy ng sasakyan sa kalsada at mas lalaki pa ang gastos sa krudo.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Dizon, hindi umano ito ang pinakatamang solusyon sa kasalukuyang krisis sa presyo ng langis.

What do you feel about this article?