Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy-tuloy ang pagdaan ng Philippine-flagged vessels sa Strait of Hormuz, sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon at posibleng blockade ng United States.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, mananatiling epektibo ang kasunduan ng Pilipinas at Iran at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa kanilang awtoridad.
Noong Sabado lamang, kinumpirma aniya ng Iranian ambassador na may dalawa o tatlong Philippine-flagged vessels ang makakadaan sa Strait of Hormuz.
Kahapon, nagsimula na ang blockade o pagharang ng United States sa mga barkong gumagamit ng Iranian ports, alinsunod sa utos ni US President Donald Trump.
ADVERTISEMENT
Ito ay kasunod ng hindi pagkakasundo ng dalawang bansa matapos ang pag-uusap sa Islamabad, Pakistan.

