From crisis to Christ!
Ito ang pinatunayan ng ilang mga Christian churches at content creators sa iba’t ibang panig ng bansa matapos magbigay ng libreng krudo sa ilang motorista at ipangaral ang salita ni Kristo.
Naunang gumawa ng inisyatibang ito ang Victory BGC sa pangunguna ni Pastor Paulo Punzalan, kung saan malaking tulong ang halagang ₱300 na libreng petrolyo kasabay ng pananalangin sa mga nakatanggap na motorista.
Sinundan din ito ng Christian couple at influencers na sina AJ at Madge Rosas sa Lipa, Batangas, kasama ang Revival Hub Church na tinawag nilang “Pay and Pray.” Nagpasalamat naman sila sa mga sponsors upang maging posible ang kanilang misyon.
ADVERTISEMENT
Ganito rin ang ginawa ni King Reyes ng Facebook page na “Tetelestai” sa Cavite. Bukod sa gasolina para sa 150 tricycle driver, namahagi rin ito ng Bibliya, keychains, T-shirt at salita ng Panginoon.
Ang panalangin ni King ay magpatuloy ang ganitong inisyatiba upang makatulong at maibahagi si Kristo sa gitna ng krisis sa krudo. (Austin Gonzaga/News Light)

