InternationalLatest News

U.S. at Iran, bigong magkasundo sa peace talks

Ayon kay US Vice President JD Vance, hindi tinanggap ng Iran ang mga kondisyong inilatag ng U.S., kabilang na ang pangakong hindi ito gagawa ng nuclear weapons.

Carlene Latuna · · 1 min read

Bigong magkasundo ang Iran at United States para sa tigil-putukan sa Middle East matapos ang isinagawang peace talks sa Islamabad, Pakistan.

Ayon kay US Vice President JD Vance, hindi tinanggap ng Iran ang mga kondisyong inilatag ng U.S., kabilang na ang pangakong hindi ito gagawa ng nuclear weapons.

Ayon naman kay Iran Parliamentary Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf, bigong makuha ng U.S. ang tiwala ng Iranian delegation.

Ilang oras matapos ang pag-uusap, ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pagpapatupad ng blockade o pagharang sa Strait of Hormuz simula ngayong araw, bandang alas-10 ng gabi oras sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Nagbabala ang Islamic Revolutionary Guard Corps na haharapin at pananagutin ang anumang military vessel na haharang sa Strait of Hormuz.

What do you feel about this article?