News LightLatest News

Presyo ng gasolina, posibleng hindi na bumalik sa P60 kada litro ayon sa DOE

Malabo na umanong makabalik pa sa presyong ₱60 kada litro ang halaga ng krudo sa bansa bunsod ng mga nasirang istruktura dahil sa digmaan sa Middle East, ayon kay Energy…

Newslight · · 1 min read

Car fueling at gas station. Refuel fill up with petrol gasoline. Petrol pump filling fuel nozzle in fuel tank of car at gas station. Petrol industry and service. Petrol price and oil crisis concept.

Malabo na umanong makabalik pa sa presyong ₱60 kada litro ang halaga ng krudo sa bansa bunsod ng mga nasirang istruktura dahil sa digmaan sa Middle East, ayon kay Energy Secretary Sharon Garin kahapon.

Ani Garin sa isang interview, matagal umano ang aabutin sa pag-aayos ng mga oil facilities na naapektuhan ng sigalot.

Hindi rin umano matantiya ni Garin kung ano ang pinakamababang aabutin ng presyo, at baka hindi na umano bumaba sa ₱60 ang presyo kada litro ng diesel.

Samantala, aabot pa umano sa nasa 50 araw ang kapasidad ng supply ng mga produktong petrolyo ng bansa.

ADVERTISEMENT

Garantiya din umano ang rollback sa presyo ngayong linggo batay sa mapag-uusapan ng Department of Energy (DOE) at mga kumpanya ng langis.

Bukod pa rito ang ₱10 per liter na discount sa mga public utility jeepneys (PUJ) sa Metro Manila, na limitado lamang sa 150 liters per week ang bawat unit ng jeep. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?