WeatherLatest News

PAGASA: Super Typhoon ‘Sinlaku,’ mababa ang tsansang pumasok sa PAR bunsod ng ridge of high pressure area

Mababa ang tsansa na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Sinlaku bunsod ng nararanasang ridge of high pressure area ng bansa, ayon sa PAGASA.

Newslight · · 1 min read

Mababa ang tsansa na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Sinlaku bunsod ng nararanasang ridge of high pressure area ng bansa, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 2,590 kilometro silangan ng Eastern Visayas, na may hangin na 205 kilometro kada oras, at bugso na 250 kilometro kada oras, at patungong kanluran, pahilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras, at posibleng tahakin ng bagyo ang bansang Japan.

Samantala, patuloy na asahan ang mainit at maalinsangang panahon sa Northern Luzon bunsod ng umiiral na ridge of high pressure area.

Asahan rin ang mga isolated rainshowers at localized thunderstorms o panandaliang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

ADVERTISEMENT

Habang posible naman na umabot sa danger level ang init na nararamdaman sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?