News LightLatest News

MPC, itinanggi ang akusasyong binabayaran para pagtakpan ang kalagayan ni PBBM

Pinabulaanan ng Malacañang Press Corps (MPC) ang kumakalat na alegasyon na nagpapagamit at nagpapabayad sila sa Palasyo para pagtakpan ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng Pangulo.

Newslight · · 1 min read

Pinabulaanan ng Malacañang Press Corps (MPC) ang kumakalat na alegasyon na nagpapagamit at nagpapabayad sila sa Palasyo para pagtakpan ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng Pangulo.

Sa isang pahayag, mariing itinanggi ng grupo ang paratang at binigyang-diin na ang kalusugan ng Pangulo ay isang sensitibong usapin na may kinalaman sa pambansang seguridad.

Ayon sa MPC, patunay ang mga nakaraang press briefing na aktibo nilang inuusisa ang mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa kalagayan ng Pangulo.

Naninindigan din ang MPC na ang mga ulat ng kanilang mga kasapi ay may matibay na basehan at dumaan sa masusing beripikasyon bago ipinahayag sa publiko.

ADVERTISEMENT

Kinondena rin ng grupo ang anila’y mga tangkang pagsira sa kredibilidad ng mga mamamahayag at iligaw ang publiko para sa interes ng iilan.

Hinimok naman ng MPC ang mga mamamayan na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat online at i-verify ang mga pinagmumulan nito. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?