Good NewsLatest News

Dalawang Pinoy photojournalists, kinilala sa World Press Photo Contest 2026

Sa 3,747 na photographers na lumahok, kabilang sina Associated Press photographer Aaron Favila at documentary photographer Jez Aznar sa 42 na pinarangalan ng independent jury.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Dalawang Pinoy photojournalists ang napabilang sa mga nagwagi sa 2026 World Press Photo Contest para sa kanilang husay hindi lamang sa pagkuha ng litrato kundi sa pagkukuwento gamit ito.

Sa 3,747 na photographers na lumahok, kabilang sina Associated Press photographer Aaron Favila at documentary photographer Jez Aznar sa 42 na pinarangalan ng independent jury.

Nagwagi ang “Wedding in the Flood” ni Aaron Favila na tampok ang isang kasal na itinuloy kahit baha hanggang sa loob ng Barasoain Church dahil sa Bagyong Crising noong July 2025.

Ayon sa jury, nagbigay ng “great visual record” si Favila ng pabalik-balik na krisis na mahalagang mapag-usapan.

Wagi naman ang mga litrato at kuwento na “Scam Hub Under Seige” ni Aznar tungkol sa mga scammers sa Myanmar na siya ring biktima ng human trafficking.

ADVERTISEMENT

Ayon sa jury, malinaw na naipakita ni Aznar ang itsura ng exploitation na madalas ay abstract na mga konsepto sa mga nasusulat na balita.

What do you feel about this article?