News LightLatest News

DA, naghahanda na ng ayuda sa harap ng banta ng El Niño at krisis sa krudo sa lokal na produksyon

Naghahanda na ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng epekto ng El Niño na maaaring magdulot ng pagtaas ng konsumo ng krudo ng mga magsasaka.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Naghahanda na ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng epekto ng El Niño na maaaring magdulot ng pagtaas ng konsumo ng krudo ng mga magsasaka.

Ito’y matapos magbabala ang PAGASA na maaaring magsimula na ang El Niño pagsapit ng Hunyo.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Asis Perez, inaasahang tataas ang paggamit ng irigasyon dahil sa El Niño na magreresulta sa mas mataas na demand sa paggamit ng langis.

Problema rin ayon sa ahensya ang pagtaas ng presyo ng pataba bunsod ng krisis sa langis na nagtutulak sa mga magsasaka na bawasan ang paggamit nito.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng DA, maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay kung hindi ito agad matutugunan.

Samantala, sinabi pa ng ahensya na inihahanda na ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga magsasaka na isa rin sa mga apektado ng pagtaas ng presyo ng krudo.

What do you feel about this article?