News LightLatest News

Bawas-presyo sa petrolyo, asahan ngayong linggo

Ayon sa Department of Energy (DOE), posibleng magkaroon ng tapyas na ₱20.89 sa kada litro ng diesel, ₱4.43 naman sa kada litro ng gasolina, at ₱8.50 naman sa kada litro…

Giselle Crazo · · 1 min read

Matapos ang isang buwang sunod-sunod na taas-presyo sa petrolyo, magkakaroon ng bawas-presyo sa petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), posibleng magkaroon ng tapyas na ₱20.89 sa kada litro ng diesel, ₱4.43 naman sa kada litro ng gasolina, at ₱8.50 naman sa kada litro ng kerosene.

Paliwanag ng ahensya, bumaba umano ang presyo ng krudo sa world market kaya nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng petrolyo.

What do you feel about this article?