InternationalLatest News

Unang dayuhang oil tanker, dumaan sa Strait of Hormuz matapos ang ceasefire

Nakatawid na sa Strait of Hormuz ang kauna-unahang non-Iranian oil tanker mula nang ideklara ang tigil-putukan sa pagitan ng Iran at United States.

Newslight · · 1 min read

Nakatawid na sa Strait of Hormuz ang kauna-unahang non-Iranian oil tanker mula nang ideklara ang tigil-putukan sa pagitan ng Iran at United States.

Batay sa datos ng MarineTraffic, dumaan noong Huwebes ang isang Gabon-flagged oil tanker na may dalang 7,000 tonelada ng fuel oil mula sa United Arab Emirates patungo sa India.

Kinilala ang nasabing barko bilang “MSG” na nakatakdang dumaong sa Aegis Pipavav Port.

Samantala, nananatiling kontrolado at limitado ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz.

ADVERTISEMENT

Batay naman sa maritime data firm na Kpler, dalawa pa lamang na Iran-flagged tankers at anim na bulk carriers ang nakakatawid simula nang ipatupad ang ceasefire. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?