News LightLatest News

Rollback sa presyo ng langis, inaasahan sa susunod na linggo

Inaasahang makararanas ng rollback sa presyo ng diesel at gasolina sa susunod na linggo. Posibleng umabot sa ₱1 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina, habang mas malaki naman…

Newslight · · 1 min read

Car fueling at gas station. Refuel fill up with petrol gasoline. Petrol pump filling fuel nozzle in fuel tank of car at gas station. Petrol industry and service. Petrol price and oil crisis concept.

Inaasahang makararanas ng rollback sa presyo ng diesel at gasolina sa susunod na linggo.

Posibleng umabot sa ₱1 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina, habang mas malaki naman ang inaasahang rollback sa diesel na nasa ₱2.50 hanggang ₱3.50 kada litro.

Ito ang paunang tantiya matapos ang tatlong araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) na siyang pinagbabasehan ng presyo ng langis sa Pilipinas.

Maaari pa rin itong magbago dahil may isa pang natitirang trading day na maaaring makaapekto sa final na galaw ng presyo.

ADVERTISEMENT

Kasunod ito ng mga pagbabago sa presyo dahil sa idineklarang dalawang linggong ceasefire ng U.S. at Iran na nagbigay ng pag-asa sa pagluwag ng supply ng langis. (Pink Feliciano/News Light)

What do you feel about this article?