Good NewsLatest News

Pinay tech leader, kauna-unahang Pinoy na ginawaran ng National Order of Merit ng France

Gumawa ng kasaysayan ang isang Pinay matapos maging kauna-unahang Pilipino na ginawaran ng second highest award ng pamahalaan ng France.

Carlene Latuna · · 1 min read

Gumawa ng kasaysayan ang isang Pinay matapos maging kauna-unahang Pilipino na ginawaran ng second highest award ng pamahalaan ng France.

Natanggap ng tech leader na si Kat Borlongan ang French National Order of Merit para sa kanyang kontribusyon sa tech ecosystem ng France.

Bukod sa pagtatrabaho sa mga startups, investment, at public policy, tumulong si Kat sa pagbuo ng French innovation strategy sa pamamagitan ng French Tech Mission.

Nagpaabot ng pagbati ang Embassy of France to the Philippines and Micronesia kay Borlongan at tinawag siyang inspirasyon para sa marami.

ADVERTISEMENT

Ang French National Order of Merit ay iginagawad sa mga indibidwal na nagpakita ng outstanding na serbisyo sa industriyang kanilang kinabibilangan.

What do you feel about this article?