West Philippine SeaLatest News

Chinese forces, pinaputukan ng flares ang PCG aircraft sa WPS | News Light

Ayon kay PCG Spokesperson, Rear Admiral Jay Tarriela, malinaw umano na direktang bullying ang insidente...

Newslight · · 1 min read

Direktang pinaputukan ng flares ng Chinese forces ang aircraft ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea habang nagsasagawa ito ng maritime patrol sa Kalayaan Island Group kahapon, April 9, Araw ng Kagitingan.

Ayon kay PCG Spokesperson, Rear Admiral Jay Tarriela, malinaw umano na direktang bullying ang insidente; hindi lang umano nilabag ng Beijing ang safety norms at kapayapaan sa rehiyon, inilagay pa nito sa alanganin ang buhay ng mga sakay sa aircraft.

Naganap umano ang insidente sa Panganiban at Zamora Reefs.

Bukod pa sa flares, nagbigay din umano ng radio transmissions ang China na inaangkin ang soberanya sa lugar, na iginiit ni Tarriela na walang basehan sa international law ayon sa UN tribunal decision. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?