Good NewsLatest News

Viola Natividad, naghatid ng heartfelt cover hymn song

Isang heartfelt rendition ng classic hymn na There Is a Fountain Filled with Blood ang hatid ng Reverb singer-songwriter na si Viola Natividad.

Newslight · · 1 min read

Isang heartfelt rendition ng classic hymn na There Is a Fountain Filled with Blood ang hatid ng Reverb singer-songwriter na si Viola Natividad.

Sa kanyang pinakabagong release, binigyang-diin ni Viola ang malalim na koneksyon niya sa naturang awitin.

Ayon sa singer, ang kanta ay nagsisilbing paalala ng wagas na pag-ibig at sakripisyo ni Hesus sa krus, isang mensaheng nais niyang ibahagi sa simple ngunit tapat na pamamaraan.

Dagdag pa niya, paalala rin ito sa atin na kahit mapagod o masaktan, laging may kagalingan at pag-asa sa pamamagitan ni Kristo.

Kasama ni Viola sa proyektong ito sina Deovincci Dasig bilang pianist, arranger, at producer, habang si Benjo Casaljay naman ang mixing at mastering engineer.

ADVERTISEMENT

Inaasahang ang rendition na ito ni Viola Natividad ay magsisilbing inspirasyon at maghahatid ng kapayapaan sa puso ng mga tagapakinig, gaya ng naging epekto nito sa kanyang sariling buhay.

Samantala, umaapaw ang pasasalamat ng singer sa tagumpay ng kanyang awitin na pinamagatang Muli na nakakuha na ng higit 113,000 streams at may 22,000 monthly listeners sa Spotify. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?