Wala munang magiging pagtaas sa basic necessities and prime commodities (BNPCs) hanggang Abril 16, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Bunsod ito ng pulong ng ahensya kasama ang ilang major companies at retailers kahapon, na nangakong hindi mag-a-adjust sa presyo ng mga pangunahing produkto at sasaluhin ang lumulobong logistics at inventory costs.
Kabilang dito ang sardinas, canned meat, kape, processed milk, instant noodles, mga condiments, sabon panligo at panglaba, tinapay, at iba pa.
Kaugnay ng pag-iisyu ng Executive Order 110 o ang deklarasyon ng National Energy Emergency, papalawigin umano ng DTI ang monitoring sa buong bansa, lalo na sa retail, kung nasusunod ang kasunduan.
ADVERTISEMENT
Nagbabala rin ang DTI sa mga susubok na mag-profiteering o magtaas ng higit sa 10% ng presyo nang walang batayan; pati na ang hoarding ay maaaring magmultang o makulong. (Denniel Salayo/News Light)

