Good NewsLatest News

Community pantry para sa mga tsuper at riders, umusbong pa sa iba’t ibang lugar sa bansa

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, muling ipinakita ng mga Pilipino ang pusong handang tumulong sa abot ng makakaya.

Carlene Latuna · · 1 min read

“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, muling ipinakita ng mga Pilipino ang pusong handang tumulong sa abot ng makakaya.

Ibinahagi ni Ana Patricia Non, isa sa mga tao sa likod ng Community Pantry PH, ang mabilis na pag-usbong ng mga community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Pinangunahan ng mga residente, estudyante, at organisasyon ang mga pantry na layong makatulong sa mga tsuper, riders, at maging commuters na apektado ng krisis sa petrolyo.

May mga gulay, bigas, itlog, at iba pa na maaaring makuha nang libre ng sinumang nangangailangan.

ADVERTISEMENT

Sa Quezon City pa lamang, higit 15 community pantries na ang itinatag. Mayroon ding sa Pasig, Marikina, Muntinlupa, at Maynila, pati na rin sa Antipolo, Rizal, Baguio, at Calapan City sa Mindoro.

Kaya, mga kaakibat, hinihikayat tayong tumulong sa pamamagitan ng community pantries o sa sarili nating paraan, ayon sa ating kakayahan.

What do you feel about this article?