Posibleng umabot sa ₱1,500 ang presyo ng kada 11-kilo na tangke ng liquefied petroleum gas o LPG sa Abril, ayon sa LPG Marketers Association (LPGMA).
Paliwanag ng LPGMA, tumaas ang shipping costs dahil sa limitadong pagdaan sa Strait of Hormuz.
Gayunpaman, tiniyak ni LPGMA founder Arnel Ty na may sapat na suplay ng LPG sa bansa.
Ayon pa sa grupo, na-update ang imbentaryo at maaari nang tumagal ng 35 hanggang 40 araw ang suplay ng LPG sa bansa, mula sa naunang 25 araw na iginiit ng Department of Energy.
ADVERTISEMENT

