Health & ScienceLatest News

DOH, nagbabala sa banta ng heat stroke

77 heat-related cases ang naitala sa bansa noong January hanggang April 2024, batay sa ulat ng DOH.

Newslight · · Updated · 1 min read

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa mga heat-related illnesses, partikular ang heat stroke, na banta lalo na sa mga bata’t matatanda.

Ani Health Secretary Ted Herbosa, importanteng manatiling hydrated at iwasan ang matagal na exposure sa sikat ng araw ngayong tag-init.

Kung makaramdam naman umano ng hindi maganda, agad nang humanap ng atensyong medical.

77 heat-related cases ang naitala sa bansa noong January hanggang April 2024, batay sa ulat ng DOH.

ADVERTISEMENT

Pinakaapektado ang mga bata at estudyanteng edad 12 hanggang 21 taon gulang. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?