News LightLatest News

China, bukas umano muling maipag-dayalogo hinggil sa langis sa South China Sea

Nananatili umano bukas ang pintuan ng China para pag-usapan ang joint oil and gas development sa South China Sea, sa kundisyong magpakita muna ng sinceridad ang Pilipinas.

Newslight · · 1 min read

Nananatili umano bukas ang pintuan ng China para pag-usapan ang joint oil and gas development sa South China Sea, sa kundisyong magpakita muna ng sinceridad ang Pilipinas.

Tugon ito ng Chinese Embassy sa pahayag ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na posibleng mapilitan ang bansa makipagkasundo sa China dahil sa energy crisis na dulot ng hidwaan sa Middle East.

Ani ng embahada, ang pakikipagtulungan ng Pilipinas ang tamang daan upang makinabang ang dalawang bansa sa rehiyon.

Ayon naman kay PBBM, ang hidwaan sa teritoryo ang humahadlang sa oil exploration sa lugar; hindi rin umano maiiwasang makipag-kasundo muli sa Beijing, at tinawag itong “new normal” sa mga relasyon sa iba pang mga bansa.

ADVERTISEMENT

Wala pa naman umano direktang direktiba mula sa presidente, ayon kay Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro.

Pinabulaanan naman ng Malacañang na may “secret deals” si PBBM sa China. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?