Uy, Philippines!
Mga Kaakibat, napanood niyo na ba ang trailer ng bagong DreamWorks Animation film na Forgotten Island ?
Kung hindi pa, panoorin na dahil tampok sa pelikula ang mayamang kultura at alamat ng Pilipinas.
Sa kwentong pagbibidahan ng aktres na si Liza Soberano at Filipino-American singer-songwriter na si H.E.R., ang dalawang magkaibigan na maghihiwalay sana ng landas nang magtapos sa high school ay aksidenteng nahulog sa portal at napunta sa isang mahiwagang lugar.
Napadpad sila sa isla ng ‘Nakali’ na puno ng mythical creatures na hango sa mga kuwentong Pinoy.
ADVERTISEMENT
Kapansin-pansin sa trailer ng Forgotten Island ang kultura ng Pinoy, gaya ng jeepney na may ‘Mabuhay’ signboard, ang nilalang na hawig ng Ibong Adarna, at ang portal na hugis araw mula sa watawat ng Pilipinas.
Bukod kina Liza Soberano at H.E.R., kasama rin sa cast sina Lea Salonga, Dolly de Leon, Manny Jacinto, Jo Koy, at iba pa.
Mapapanood na ang pelikula sa Setyembre 23.

