News LightLatest News

Manila International Book Fair, magbabalik ngayong Setyembre

Gaganapin ang Manila International Book Fair 2026 sa Setyembre 9 hanggang 13 sa SMX Convention Center Manila.

Carlene Latuna · · 1 min read

Pinoy bookworms, where you at? 📖👀

Magbabalik na ang isa sa pinaka-inaabangang event ng mga book lovers sa bansa!

Gaganapin ang Manila International Book Fair 2026 sa Setyembre 9 hanggang 13 sa SMX Convention Center Manila.

Asahan ang libu-libong libro mula sa mga local at international publishers at mga exclusive na discount at special offer na makukuha lamang sa fair.

May pagkakataon rin makita at makausap ang inyong paboritong authors at makilahok sa mga talakayan, workshop, at aktibidad.

ADVERTISEMENT

Kasabay nito ang School World 2026, isang event na tampok ang digital learning technologies, teaching at instructional aids at iba pa na makakatulong sa mga paaralan, guro, at mga mag-aaral.

Kaya mark your calendars para sa upcoming Manila International Book Fair 2026!

What do you feel about this article?